Anong klaseng friend ka?
KAIBIGAN: sa lahat ng oras ayos na ayos at laging may maaasahan...wlang dead moments... dahil sa kakulitan, kasinungalingan, lakwatsahan, kabaliwan, kabulastugan pero higit sa lahat... sa hirap at ginhawa kayo'y magkakasa-kasama, 'ika nga "No man is an island... wlang iwanan 'tol...
Minsan tunay dahil may pagkakataong dapat wlang ibang makakaalam. May mga kremen na itinatago at may mga secreto din na ipinamamalita ng di naman gaanong halata... hehehe, pero sa likod nito, hindi tayo naging mabuti kung di natin nakilala si Lucifer sa mukha ng ating kaibigan... mas lalo, hindi natin nakilala si Kristo kung di dahil nagkaroon tayo ng kaibigang mala-santo...
Sa pagkakaibigan, nakikita natin kung papano nabuo ang ating sarili bilang salamin sa buhay ng ating mga kaibigan... 'ika nga, the birds of the same feathers, flocks together...
paano ba natin nasusukat ang halaga ng ating kaibigan... cge nga... atin ngang isa isahin kung anong klaseng friend ka?
1>ISA KANG BATMAN:
Kaya nga minsan nagsisinungaling ka sa bahay nyo... basta lang maisalba ang mga kaibigan mo.
2>ISA KANG PRANING:
ikaw yung tipong kaibigan na hinahanap hanap ng mga kaibigan mo... kasi walang oras na hindi sila masaya kapag kasama ka nila... in short... nakakaadik ka...
3>ISA KANG UTO UTO:
kaw ung tipong kaibigan na isang tawag lang friend mo, no second thought punta ka na agad... sama ako dyan! wlang kyeme kung joinena... sila yung parating nagsasabi ng pampalubag loob na linyang "bahala na si batman..."
4>ISA KANG MARTYR:
TUNAY NA MAASAHAN ka sa lahat ng bagay... LOYAL kang kaibigan... gagawin mo lahat para sa kaibigan... type mo pang magpakamatay para sa kaibigan kesa sa sinusunod ang mga assignments mo sa gawaing bahay....
5>ISA KANG TRAFFIC SIGNAL:
Da best ka, dahil napakahusay mong magpayo sa problema ng iyong mga kaibigan... magaling kang makiramdam labas masok ng kanilang problema... alam na alam mo ang timings kung kelan dapat lumabas at magpartee... pero mismo sarili mo'y di mo napapayuhan ng tama... na kahit sariling curfew hours sa inyong bahay ay pilit mong sinusuway...
6>ISA KANG JOKER:
ikaw din yung tipong gesture mo pa lang nakakatawa na... hindi na kailangan magsalita para magpatawa... dahil natural na sau ang pagkamalikhain pagdating sa pag-papatawa...
ikaw, alin ka dito?... natanto mo bang da-best kang kaibigan, anong klaseng friend ka?