luha
ikaw
ang palaging kaulayaw
sa paggawa ng tulang
malalim at mababaw
kung saan
ako nakatanaw
hawak ko sa tuwina
ay palaging ikawminsan isang araw
salita sa isip ay sumingaw
hagilap agad ay ikaw
mga talata ng tulang makapupukaw
sa babasa na puso ay mapanglawnatutuwa ako
kapag gamit ko'y ikaw
sa mga daliri ko
ika'y sumasayaw
minsan kapag
ako'y giniginaw
ang mga tinta mo
ay hindi malinawhuwag naman sana
mundo ko ay magunaw
sa lalim ng gabi
ito ay pumanaw
magiging matatag
at hindi bibitaw
sa pag-asang bukas
sisikat muli ang arawkapag ikaw ay naubos na
ako'y pansamantalang mag-iisa
hindi na muna gagawa ng tula
mambabasa ko sana'y huwag mabigla
idadahilan ko'y ubos na iyong tintaluha ng ballpen :)
copyright©fRanCisM July2009