gaano katagal pa-process ang work visa?
hello po! ill be working in Qatar soon, and done with my medical and vaccine shot. the question is gaano katagal ang processing ng work visa? mga weeks or days lang??
last october pa kasi ako nagkaroon ng job offer sa isang coffeeshop, pioneering team, so, tinatayo palang, almost 3 months din ako nag hintay ng visa till january. tinawagan ako ng agency and new employer kasi madami pa daw permits na inaayos dun sa previous ko. so nag medical ulet ako after ko makuha ang new job offer, kasi nag expire na. feb na ngaun and done na ulet after 2 weeks na balik balik sa clinic. for visa processing na ulet. problema lang e ang pina redribbon ko na NBI clearance ko ay mag eexpire na by march. aabutin kaya ng 2 months ulet ang visa approval??
THANKS in advance. :D