1/2 RICE NEWS FLASH
Mga kababayan na balitaan nyo na ba ito?
Na may bagong panukala nanaman daw ang gobyerno na magkaroon ng 1/2 rice serving o orders sa mga fastfood chains!
Kung iyong napapansin kahit saang kainan (wag lang turo-turo) sa pinas magpunta di kayo makakaorder ng 1/2 serving ng rice. Laging 1 whole rice lang.
Napansin daw kasi ng government na madaming nasasayang o natatapon na rice sa mga kainan lalo na sa mga fastfood chains. Kalasan daw kasi since di ka naman pwedeng umorder ng 1/2 rice sa mga tindahan na ito ang nangyayari e natatapon lang ang tira mo.
So ang solution is 1/2 rice serving! Kung tutuusin magandang panukala nga ito lalo na't nakakatulong sa pagtitipid.
Pinabulaanan din ng gobyerno na merong rice shortage sa Pinas. Ito daw ay isa lamang paraan ng pagtitipid. Aba nahirap nga naman magtanim at umani ng bigas ang mga magsasaka tapos matatapon lang...
But naisip ko... ok sana ito kung 1/2 din ang price ng 1/2 rice. Kasi dati ng nasa pinas ako pag oorder ako ng 1/2 rice sa canteen namin more than 1/2 ang price!
Halimbawa:
1 whole order of rice = P6.00
1/2 order of rice = P4.00
So minsan napipilitan ka na kumuha ng whole rice kahit di mo maubos (pipilitin mo na lang ubusin kasi sayang!) kasi P2.00 lang naman ang difference diba?!
Isip ko tuloy baka sa susunod mayroon na ring 1/2 soup, 1/2 ulam (meron na nito ngayon sa mga turo-turo), 1/2 dessert, 1/2 water???
Hay.... papahirap na nga ba ang Pinas o sign lang ito ng pagiging matipid nating mga Pinoy?
Yun lang & babush!