Ang Pangit na Mukha ng Pangingibang Bayan...Kung may panic buying may panic eating

spike124
By spike124

Dati kapag may umuuwi galing ibang bansa ang paniwala ko masarap ang buhay nila sa labas ng bansa, mapupulang pisngi, sapatos na bago, mga kilo kilong alahas. iniisip ko noon ang sarap siguro ng pagkain nila....

Pero ang naranasan ko dito ay malapit na sa pagiging pulubi, apat na buwang walang sahod, ultimo softdrinks di ko mabili, kapag walang natira sa ulam ng mga kasama ko sa bahay ...si Datu Puti ang bahala, magkalasa at magkakulay lang ng kaunti ang kanin instant meal na, ang mahirap kapag naubusan ng kanin, hanap ako ng kahit ano..kapag sinuswerte may mahahagilap akong sliced bread na isang linggong expired na, microwave lang ang katapat, timpla ng kape kahit walang asukal at gatas basta may mainit na tubig ayos na, may almusal na ako sa hapunan. Sa hiya ko rin kahit na kumukulo sikmura ko kapag inaaya nila akong kumain, sasabihin ko “busog pa ako, mamaya na lang”. Mababait ang mga kasama ko, madalas sarili ko kalaban ko, kundi dahil sa kanila sa kangkungan ako pupulutin.

Sa ilang buwan na sumasahod ako nakabili ako ng bagong mobile na ipinambayad ko rin sa bahay. Ngayon gamit kong unit ay pwede ng ilagak sa National Museum.

Text si Misis, sasabihin sa iyo may sakit ang bunso mo, kaylangan dalhin sa manggagamot, sagot ko, “hiram ka muna sa nanay mo” at mabuti na lang mabait si byenan, minsan naman mga magulang ko. Sabi nga ng asawa ko hiyang hiya na raw siya sa panlilimos. Sa chikka lang ako nakakasagot dahil bago ko ibili ng HALA, sardinas na lang para may makain, eh yon ay kung may pambili.

Hindi ako nangayayat bagkus ay lalo akong tumaba kasi sa tuwing may okasyon sa bahay, nagpapakubusog ako na para bang kinakain ko na pati ang para sa isang linggong darating.kapag sinuswerte may magsasama sa akin sa fast food, ang di nila kayang ubusin pasimple kong sasabihin "uy, wag kayong magtira bawal yan, ako na nga ang uubos".Kung may panic buying may panic eating..Sa loob loob ko baka bukas wala na ako makain.

Hindi ako relihiyosong tao pero dito ko naramdaman ang kanyang presensya..nang dahil sa kanya nanatili akong matibay hanggang sa payagan kaming maghanap ng ibang trabaho ng kompanya at sa awa ng Diyos nasa ayos na trabaho na ako ngayon.

Wala pong halong kasinungalingan ito, kapatid po ng company ko ang pinagtrabauhan ng mga Pilipinong ipinalabas sa Balitang Middle East na nanghihingi ng ulo ng hipon. Sila po ay nakauwi na at sagot ng company, ibinigay lahat ang karampatang bayad sa kanila.

Pasensya na sa aking Barirala, ako po ngayon ay nag-aaral magsulat na gamit ang ating sariling wika.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.