Hatid tulong sa biktima ni Ondoy
Matapos po ang pagpupulong kagabi napagkasunduan po na tayo ay magpadala ng tulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy.
Kami po ay kumakatok sa inyong mga ginintuang puso. Tayo po ay mangongolekta ng tulong (damit, gamit sa bahay, gamit sa eskwela, atbp.) na ating ipapadala sa napiling ahensya o samahan (sa PM na lang po kung ano ito) sa pamamagitan ng cargo. May kinakausap pa kami para kung hindi man libre ay bigyan tayo ng discount sa pagpapadala.
Ang koleksyon po ay mula ngayon hanggang bukas. Ang pag babalot ay sa byernes at ang pagpapa-cargo ay sa sabado.
Ang oras po ng koleksyon ay mula 2:00pm hanggang 7:00pm sa tahanan ng isa sa mga Admin (dun na rin ang pagbabalot) at mula 8:00pm hanggang 10:00pm sa Mother Studio. Ito po muli ay simula ngayon hanggang bukas.
Kung saan po ang lugar ay paki-PM na lang po ang kahit sino sa mga admin natin. (Siguruhin lang na naka-on ang PM feature nyo para masagot namin kayo.)
Mas gusto po namin sana ay in kind (para po walang pagdududa kung salapi ang bigayan at bawal din po) at sana po ay yung hindi mabigat (gaya ng de-lata) dahil baka po hindi tayo makalibre sa cargo. Marami pong bagay at gamit na kailangan ang mga biktima kaya marami po tayong puedeng ipadala sa kanila. Ipinapauna na po namin na kung magbibigay kayo ng salapi ay unang gamit po nun ay pambayad sa pagpapadala kung hindi tayo makakuha ng libre. Kaya mas encourage po namin na in kind.
Muli, kumakatok kami sa inyong ginintuang puso.
Maraming salamat po at kasihan nawa ng Diyos ang Bayang Pilipinas!
Ang pamunuan ng QL Filex
PS. Ang mga detalye - lugar ng koleksyon, ahensya na pagdadalhan, atbp - ay sa PM na lang po.
(BABALA: Marami pong nananamantala ngayon sa kabila ng trahedya na ito. May mga nagbibigay ng maling number ng bank account o peke na address para pagdalhan ng tulong. Mag-ingat po tayo at alamin muna bago tayo magbigay tulong.)