Huwag muna kayong magkakasakit at kailangan pa kayo ng mga mahal niyo sa buhay...
Share ko lang sa inyo itong napulot ko lang sa Facebook...
HEALTH is WEALTH by KIM
Pinaka-HEALTHY na Pagkaing PINOY (Part-1)
ALAM n’yo ba kung ano ang 10 pinakamasustansyang pagkain na mabuti sa ating kalusugan? Alam n’yo ba kung ano ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo pasasabikin, heto ang unang parte ng aking listahan.
1. Maberdeng mga gulay –
Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa gulay, tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Tipid pa! Ang gulay ay maganda rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, pag-iwas sa colon cancer at iba pang kanser.
2. Matatabang isda –
Ang mga oily na isda tulad ng salmon, tuna, mackerel at sardinas ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, nagpapaiwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Omega-3 supplements tulad ng Vitahart ay punumpuno ng healthy na Omega-3.
3. Kamatis —
Ang kamatis ay puno ng lycopene na tinatawag na anti-oxidants. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato juice ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.
4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan —
Masustansya ang mga prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.
Itutuloy...
HEALTH ALERT
by Kuya Kim