Isang Malayang Pag-iisip

buttercupryle
By buttercupryle

Marami na ang kumakalat na story tungkol sa mga pang-aabuso sa QL may istorya ng isang Pinay at meron din sa ibang lahi..Hindi ko pwedeng husgahan ang mga kwentong ito dahil hindi nalalaman ang katotohanan sa loob ng kwentong ito.Pero aaminin ko tunay na nabagabag ang aking kalooban ng malaman ko ang kwento ng ating kababayang si "Gabriela".

Ano ba ang nangyayari ngayon dito sa Doha? Mga Pinay ba o ang mga babae bilang pangkalahatan ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa kanila ito?

Alam nating tunay na mababa ang tingin ng iba sa ating lahi lalo na sa ating mga kababaihan dahil na rin sa laganap na prostitusyon na ang pangunahing nagbebenta ng laman ay Pinay di umano. Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong ito, na inaalo nila ang kanilang katawan sa halagang QR50 at pinakamataas na raw ang QR500 kung hindi ako nagkakamali.
At ang isa pang isyu rito ay ang pakikipagrealsyon ng mga kababaihan sa ibang lahi, hindi ito masama ngunit nagkakaroon ng ibang kahulugan lalo na't kung may nagyayari sa kama. Idagdag pa rito ang paghingi ng pera at iba pang materyal na gamit. nadudungisan ang mga Pinay at ang mga babae sa ganitong kaparaanan.

May mga ilang ka-opisina ko na talaga namang namimick-up pa ng Pinay o ibang lahi para sa panandaliang aliw o di kaya ay nakikipagrelasyon para lang ng laman. Meron din akong kaopisina na talaga naman na-save pa ang larawan nila ng kanyang Pinay na gf take note po "hubo't hubad po sila". At meron pang nagyaya mismo sa katrabaho ko na magsisiping sila sa gitna ng disyerto. Hindi pa nakuntento at humingi pa ng "engagement ring" sa kanyang bf na Lebanese..meron ding isa na regular na humihingi ng pang-grocery.

Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa mga sinasabi ko, kung aalipustahin nyo at yuyurakan ang aking post. Ngunit ako ay nagsasabi ng pawang katotohanan lamang.

Mga kababayan hindi masama ang makipagrelasyon at magmahal pero ilagay po natin ito sa magnadang paraan.Itayo po natin ang ating pagkatao, huwag po natin ipababa ng husto kung anuman ang tingin nila sa ating lahi. Masasabi nating hindi lahat ay mababa ang pagtingin sa atin pero "halos lahat sila" ay ganyan ang pag-iisip sa atin.

Mas maganda maglakad ng nakataas ang ating mga noo hindi po ba?

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.