its Joke Time!
Filipino names translated in English
Remigio Batungbacal
Remington Steel
Bienvenido Jurado
Ben Hur
Federico Hagibis
Federal Express
Eleoterio Ignacio
Electronic Ignition
Casimiro Bukaykay
Cashmir Bouquet
Rogelio Dagdag
Roger Moore
Topacio Mamaril
Top Gun
Restituto Pruto
Tutti Frutti
Samuel Tampipi
Sam Sonite
Veneracion De Asis
Venereal Disease
Francisco Portero
Frank Furter
Diosdado Durante
Deo Dorant
-------
Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!
-------
Juan: ano bang shampoo ito? ayaw bumula
Maid: paano po bubula yan hindi naman basa buhok nyo.
Juan: haler for dry hair toh, nag-iisip ka ba Inday? dry hair!!
-------
TEACHER: watz ur name kid??
PUPIL: Earlyseven Strikeland po!
TEACHER: fil-am kaba??
PUPIL: Hindi po! Yun po ang name ko sa ingles..Sa tagalog po! "AGAPITO HAMPASLUPA"
-------
Good news! Walang badnews!
Tahanang walang hagdan,inakyat!
Isang bakla ginahasa,tuwang tuwa!
Unanong madre napagkamalang penguin!
Bulag nakapatay,nagdilim daw ang paningin!
Tindera ng suka,tinoyo!
Teacher nagkamali,tinuruan ng leksyon!
Basurero nagsampa ng kaso,binasura!
Tubero,nagkatulo!
Misis ng photographer,nakunan!
Isang buntis nasaksak,bata nakaiwas
-------
Nanay: anak, hindi ka ba nahihiya??! linis ako nang linis dito tapos ikaw, naglalaro lang jan?!!
Anak: Nay, hindi ba mas nakakahiya kung ako ang naglilinis jan at ikaw ang naglalaro dito?? toink...(oo nga naman... hihihihihi... )
-------
Pedro at Juan manonood ng sine. Natigilan si Pedro.
Pedro: Uwi na lang tayo. Puno na.
Juan: Pano mo nalaman?
Pedro: Di mo ba nabasa yun sa pinto? PULL
-------
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya 'GO TO HELL' kaya ito Uwi agad ako.
-------
English class...bawal ang magtaglog
pedro: mam may i go out
teacher: why
pedro: bicoz father, mother, me!
teacher: what?
pedro: tata, ina, ako!
-------
JUAN; Tay ! Penge P20 bibili ako ng de lata.
TATAY: Anak, mga taga bukid lang ang gumagamit ng term na de lata!
Englisin mo yan!
JUAN: Paano?
TATAY: KANG GUD!
-------
Words to live by ng mga bading (hehehe)
"Walang kaibi-kaibigan pag agawan na ng dyowa ang usapan"
"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, bading din pala ang magiging karelasyon."
"Walang matinong lalake sa malanding kumpare"
"Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?"
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling dyowa, sa mga bath houses naglipana."
"Matalino man daw ang bading, napeperahan pa rin."
-------
BERTO: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?
ROMY: Syempre, pera! Kasi, ang pera, habang tumatagal, lumalaki ang interes. Ang asawa, habang tumatagal, nawawalan ka ng interes, tapos, inuubos pa ang pera mo
-------
Erap: "Doc, I accidentally swallowed a chicken bone!"
Doc: "Is it choking?"
Erap: "No, it is Max's."
Doc: "I don't mean 'Chow King', I mean, are you choking..."
Erap: "No, Doc! Serioso ako, Doc!"
-------
Comfuter
Amo: Inday, ilipat mo nga ang comforter sa kwarto
Inday: san ko ilagay kuya?
Amo: Ipatong mo lang sa kama
Maya-maya...
Inday: andun na po. Sinama ko na rin ang frenter at iskaner...!!!
-------
Pasyente: Magkano ang facelift???
Doktora: Complete treatment ay P145,000
Pasyente: mahal!!! ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata??
Doktora: eto tsupon (pacifier) , P20 lang!!!
-------
intsik and taxi driver...
Intsik: "Magkano punta sa Makati?"
Taxi Driver: " Ikaw lang bang mag-isa?"
Intsik; "Bakit, di ikaw sama?"
-------
PEDRO: Miss,pabili nga ng bolpen.
MISS: Sorry po sir, wala po kaming bolpen.
(Inis na lumabas si Pedro sa tindahan)
PEDRO: My God! Penshoppe walang bolpen!