Mahirap Bow!
Sabi nila ang pagiging mahirap daw ay hindi kasalanan, pinili o ating ginusto...agree ako duon. Pero ang panatilihin mong maging mahirap o lalong maghirap ay kasalanan mo na, na para bang isinaksak mo na lang sa kukute mo na hanggang duon na lang talaga.
Kanina nanunuod ako ng imbestigador at napanuod ko ung mga showgirls cum escort girls sa Angeles City, Pampanga. Meron isang place duon na dinadayo ng foreigner at ung mga babae eh halos wala ng saplot kung magswimming, tapos sumasayaw pa.
Sabi ng Representative ng Gabriela, dala daw ng kahirapan at walang mahanap na trabaho...napaisip ako..sabi ko sa asawa ko, " hon hindi tutuo yan"... na dahil sa kahirapan kaya nagbebenta ng laman at gumagawa ng kabalahuraan ang mga kababaihan .Ang sabi ko pa, "Gusto lang nila ng easy money, ayaw nilang magpakapagod". Parang dito sa Qatar di ba, daming gumagawa nyan, para daw "kuno" sa pamilya... which is, I doubt it... Ang ibenta o pumatol sa kung kani-kaninong lalake pilipino man o ibang lahi para may makatulong sa pagbuhay sa pamilya... katamaran yan at kapaguran ng mamuhay ng may moral.
Heto din maikuwento ko...isang buhay sa marangyang workplace...halos dalawang taon din akong nagwork dito. Ang CASINO FILIPINO...masaya, maraming pera,,maraming guwapo't magaganda at higit sa lahat maraming TUKSO. Me mga katrabaho akong magaganda talaga, merong may kaya at meron din kailangan talagang kumita ng malaki. Ang sweldo ko ay 11k php mahigit at tip…while ung iba 8k + tip…ang TIP ang nagpapalaki at ditto sipag at diskarte ang kailangan…sa isang buwan kumikita ako ng hindi bumaba ng 50k php… sa MARANGAL pero may halong pambobola…ung iba higit pa ang kinikita sa MARANGAL din na paraan…Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit meron pa rin mga taong hindi makuntento sa kinikita nila… nambobooking pa talaga.
Sa Casino napakaraming tukso, pulitikong panot, mabahong hiningang hapon, malansang intsik, DOM na mabango at mga gwapong palikero…lahat sila syempre sugarol… sa apat na nauna…jan ka makakatikim ng indecent proposal na tinatawag…ang pinakamabangis na offer na na-i-offer sa kin ay negosyo, bahay at kotse…gwapo din naman ang huklubang intsik na un, mga around mid 50’s…gatas nga lang order sa kin 1k to 2k ang tip…napakagalante. Pero ayoko kasi ewwwww…saka sapat na sa akin ang kinikita ko. Hindi lang ako ang ganito syempre may mga kasamahan akong mas matitino pa sa kin noh!...pero almost 75% ng co-employees ko pumapatol…minsan kotse bayad, minsan condo, ung iba cold cash…sa tingin nyo… dala pa rin ban g kahirapan un?
Kaya I doubt it na ang pagbebenta ng laman ay dala ng kahirapan…para sa aking opinion, yan yung mga taong gustong kumita sa madaliang paraan…
Kayo Ano sa Tingin nyo?