O...Sige ikaw na ang PANALO!!!
Sa Aking Pananaw....
Kailan nga ba masasabi na ikaw ang panalo, at kung ikaw ay talo?
At kelan ba, o d kaya maari mong ng sabihin na... sige ikaw na ang panalo!!!
Sa laban, debatehan, opinyon at haka haka. Sa lahat tayo may pagkakaiba...Pero dumarating ang pagkakataon na masasabi mo ang katagang SIGE...ikaw na ang panalo.
Pagsuko?, Pag sang ayon? Pagkukumbaba? O Simpleng Pangungutsa. Ikaw na ang bahala.
AKDA
ni S3
Sa aking akda ng pagka-dismaya sa sariling Embahada,
May natawa, natuwa,may sumawsaw at higit sa lahat may mga nabahala.
Hinaing ko, hinaing mo, san nga ba patungo?
Para lang ba siraan ang kapwa mo?Ano ko siraulo?
Hindi ba ang motibo,maiparating mo sa mga tao
laman ng puso at isip mo.
Nangangahulugan ba sa iyong pagrereklamo,
lahat dapat maging perpekto?
Hindi ba't sa reklamo magiging simula ng pagbabago.
Ayusin ang serbisyo para lahat tawaging PANALO.
Maraming TAO ayaw magpatalo, ngayon sasabihin ko,
IKAW na ang panalo, dahil hindi ko ikayayaman ang bagay na to!...