Pampagising ....sa mga tulad kong inaantok....
Girl: Maganda ba ko?
Boy: Oo, kaya lang, Bumbayin ka...
Girl: Hindi naman ako mukhang Bumbay, ah?! Tisay yata to!
Boy: Oo nga, pero 'yung amoy mo, Bumbayin!
* * * * *
Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical
Man1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!'
* * * * *
'Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano
ANAK: Tay ! Krus! Ang laking krus!
TATAY: (Binatukan ang anak) Nakita mo ng krus eh! Lumuhod tayo!'
* * * * *
Employee: Boss pwede ba ako nalang ang papalit dun pwesto sa manager natin na kamamatay lang?
Boss: ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.
* * * * *
Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko.
Muntik na ako!
* * * * *
Bongbong -- Pare sinong idol mo?
Chavit-- Si Arnold Schwarzenegger.
Bongbong-- Sige nga, spell Schwarzenegger.
Chavit -- Hindi, joke lang pare, si Jet Li talaga idol ko.
* * * * *
Erap writing on a slum book:
Favorite Actor:
Arnold Scharzene... ... (erase)
Arnold Schwarze... ... (erase)
Arnold Schwarzz... ... (erase)
Arnold Shwazenne... . ..(erase)
Arnold Shwazenner.. . ..(erase)
Arnold Shwarzenneg. . ..(erase)
Arnold Schchwarzenne. .. (erase)
Arnold Clavio
* * * * *
Holdaper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..bastaa pareho po yan walang laman!
* * * * *
Sa isang mumurahing airline:
Stewardess: Sir, would you like some dinner?
Passenger: Ano ba ang mga choices?
Stewardess: 'Yes' or 'No' lang po
* * * * *
ANG NAKARAAN....
May ibinulong ang daga sa elepante. Biglang hinimatay ang elepante.
Ano ang ibinulong ng daga?
DAGA: Buntis ako, ikaw ang ama!
SA PAGPAPATULOY. ...
Dahil di makapaniwala ang elepante, dinala nya ang daga sa doctor.
Tuwang-tuwa ang elepante at masayang ibinulong sa daga ang resulta. Ang daga naman ang hinimatay....
Ano ang ibinulong ng elepante?
ELEPANTE: Ako nga ang ama, at elepante ang anak natin, at kambal sila!
=)
* * * * *
TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday! ?
* * * * *
TITSER: Juan, use recharge & caffeine in a sentence.
JUAN: Si 'Recharge' Gutierrez ay si 'Caffeine' Barbell. ?
* * * * *
ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk...
FPJ: Anong title?
ERAP: 'The Lens Cleaner'
* * * * *
Junjun: Pa, may multo daw sa kusina natin?
Papa: Anak, sino naman nagsabi sayo nyan?
Junjun: Si Mama po!
Papa: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! Wala namang multo eh!
Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina, at iinom lang ako ng tubig...
* * * * *
BATA: Pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN? ?
BATA:Pabili nga po ng ubas.....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT??
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT??
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas
* * * * *
PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko?!?!
Maliit, wala pang kama at bintana..... ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...
* * * * *
MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no?
MR: Ako, lashing? Hindi! Hik
MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?
* * * * *
Gumimik sa mall ang tatlong binatilyo...
Jepoy: Ang cute nung girl!
Kevin: Sexy pa! Grabe!
Nathan: Sino? Yung naka-mini skirt, na red? Yun, yun ba? Ha? Kilala ko siya!
Teka tatawagin ko ha, kuyaaahhh Ambet!