PuGad BaBoy (joke time) (26 abril)
Halina't magsaya...tumawa tayo, Humalakhak, magkilitian at kalimutan muna ang mga problema. Dito ninyo ilagay ang mga pagpapatawa ninyo at siguraduhin ninyong nakakatawa! At sa paglipas ng oras....sigurado ang araw mo ay sasaya...
KAYA ANO PA HINIHINTAY NINYO!!!!! UMPISAHAN NA NATING TUMAWA AT MAGPATAWA...JOIN NA KABAYAN!!!
(AKO MUNA)
Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!
***
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang hindi siya mababastos?
SAGOT: 'Uhm, excuse me, miss...Mang Tomas ba ang lotion mo?' < oink! >
***
Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!
***
Mga sikat na salawikain:
Better late than pregnant.
Kapag may tiyaga, good luck!
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa.
Ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit.
***
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala...
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section sya!
***
Paano humamon ng AWAY ang ...
BULAG?
Magpakita kayo mga Duwag!
DULING?
Isa Isa Lang! para patas ang Laban!
PILAY?
Patay kung Patay! Walang Takbuhan!
***
Bigo ka ba sa luv? eto ang mga BEST partners :
Pilay: Hindi ka tatakbuhan
Bulag: walang paki sa looks mo
Pipi: Hindi nagbibitiw ng bad words
Duling: Hindi ka hahayaang mag-isa!
***
American guy named Paul challenged a Filipino:
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimming Paul.
***
Love is a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound, in short - a gentle death! Ang lalim! Grabe...! Dati Love is blind lang, eh!
***
(BATO BATO PO SA LANGIT ANG TAMAAN WAG MAGAGALIT) :)