SALAH (PAGDARASAL) UNANG YUGTO

fRanCisM
By fRanCisM

Nuong bago ako dito sa Qatar, nakatawag sa aking pansin ang kapuna-punang gawain ng muslim- ang pagdarasal o salah.
Hayaan ninyong i-share ko sa inyo ang salah upang maunawaan nating mga pinoy lalung lalo na sa mga nagsisimula pa lamang magtrabaho dito sa Qatar.

"Katotohanan, ang Salah ay pumipigil sa tao mula sa paggawa ng kalaswaan at kasamaan." (Quran 29:45)

Ang salah ay pinakamahalaga sa lahat ng itinakdang pamamaraan ng ibadah. (paglilingkod at pagpapaalipin sa Allah). Ito ay kinabibilangan ng paulit-ulit at pagbabalik-alaala sa Allah limang beses araw-araw. Ang paglilinis ng katawan (wudhu), pagpunta sa masjid, ang pagyuko (ruku), pag-upo (jalsa), ang pagpapatirapa sa lupa (sujud), ang pagtayo (qiyam), ito ay sumasagisag bilang tanda ng pagsuko at pagsunod sa Allah; ang pagbigkas ng mga Quranic verses ay mga paalala ng kasunduan ng muslim sa Allah. Ang mga Muslim ay humihingi ng Patnubay at laging nagsusumamo sa Kanya upang makaiwas sa parusa at sumunod sa kanyang piniling landas. Ang salah ay nagbibigay alaala sa Araw ng Paghuhukom, na ang mga Muslim ay haharap sa Panginoon sa Araw na yaon upang tanggapin ang bunga ng mga gawa sa mundong ito.

Sa pagsasagawa ng Salah, ang mga Muslim ay tumatalikod pansumandali sa kanilang gawain at muli kanilang itinutuon ang kanilang isip sa Panginoon, maging sa pagsapit ng takipsilim, muling tinutupad nila ang pananagutan sa Kanya at binibigyang buhay ang pananampalataya at pananalig. Dahil sa dalas at oras na ginugugol sa Salah, hindi nalilimutan ng mga muslim ang tunay na layunin ng buhay, ang manatiling isang tunay at tapat na alipin ng ating Tagapaglikha. Ang Salah ay siyang paraan upang maging matatag ang haligi ng Iman (pananampalataya) at ito ay isang paghahanda sa buhay na may layon ng kabutihan at pagtalima sa Allah. At dahil sa palagiang Salah, umuusbong sa sarili ang katapatan, makahulugang buhay, kalinisan ng puso, katatagan ng kaluluwa at pagkakaroon ng dangal at moral.

ANG PANANAGUTAN
Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng paglilinis sa katawan (wudhu) ayon sa pamamaraan ni Propeta Muhammad (snk) at ang mga Muslim ay nagdarasal ayon sa kanyang aral at kautusan.

Bakit ginagawa ito?
Sapagkat ang mga Muslim ay naniniwala kay Propeta Muhammad (snk) bilang Tunay na Sugo ng Allah at sila ay napag-uutusan na ang pagsunod kay Propeta Muhammad (snk) ay pagsunod sa Allah.

Ang mga Muslim ay bumibigkas ng mga talata (ayat) ng Quran sa paraang mahusay at maayos.

Bakit ginagawa ito?
Sapagkat mayroon ang mga Muslim na matibay na pananampalataya na ang Allah ay nakakakita sa lahat ng kilos at galaw.

Bakit nagdarasal sa itinakdang oras bagamat wala namang tao ang pumupuna kung nagdarasal ba o hindi?
Sapagkat ang mga Muslim ay may pananalig at pananampalataya na ang Allah ay lagi sa tuwina ay nakamasid sa lahat ng kanyang nilikha.

Bakit ang mga Muslim ay tumitigil pansumandali sa kanilang mga gawain at trabaho? Bakit ang mga Muslim ay gumigising sa madaling araw at iniiwan ang higaan, Bakit ang mga Muslim ay pumupunta sa masjid kahit sa panahon ng taglamig o tag-init?
Walang ibang dahilan kundi dahil sa ang mga Muslim ay mayroong pagpapahalaga sa tungkulin at pananagutan sa Allah-isang pananagutan na nagbibigay paalala na dapat tuparin ang tungkulin sa Panginoon anuman ang kalagayan sa buhay.

Bakit ang mga Muslim ay natatakot kung sila ay nagkamali sa pagdarasal?
Sapagkat ang kanilang puso ay tigib ng takot sa Allah kalakip ng pagmamahal nila sa Kanya at alam nila na sila ay haharap sa kanya sa Araw ng paghuhukom. mayroon pa bang ibang paraan maliban sa Salah na siyang gumigising sa kanilang damdamin?

SALAH-IKALAWANG YUGTO

Pagpalain po tayo ng Panginoon ng mga Panginoon.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.