Share... Share
Two simple words but for my 2-1/2 y/o daughter there’s a big meaning.
Ito ang binibigkas nya pag nakikita nya kaming mag-asawa during verbal arguments which is definitely not good for her but since nakatira lang kami sa isang di kalakihan at kwadradong tirahan di maiwasan na makita nya kami but when she came in between us and uttered this two words the temper got eased. الحمد لله
Naikumpara ko lang ang situation namin sa bahay sa nangyayari ngayon sa ibang mga threads dito sa QLFilEx. Nakaharap tayo araw-araw at nag-aabang sa isang maliit at hugis kwadradong parte ng ating computer habang nagbabasa at nagta-type ng mga masasayang karanasan, magbahagi ng kaalaman sa mga nangangailangan, magbigay galak sa mga nalulungkot, magpalitan ng mga kuro-kuro, at mahirap mang tanggapin magbatuhan ng di magagandang komento na hindi maganda sa isang grupo na may magandang layunin. May ibang mga nakakabasa rito ng ating mga sinasabi gaya ng pandinig ng aking anak kailangan pa ba nating hintaying maghulog ang langit ng isang munting anghel na mamamagitan sa atin?
Umagang kay ganda kabayan.