"Stereotyping" sa mga pinay
Personal ba tayong apektado kapag nababasa natin sa main forum ang “bashing” sa mga pinay? O kaya kapag meron isang kabayang nagpost ng topic asking for advise dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon (aside sa tunay na asawa) sa main forum, naiinis ba tayo? Natural minsan naapektuhan tayo kasi nga iniisip agad natin na nakakasira ito sa imahe ng mga pinoy lalo’t nakilala ang mga pinay sa “ganito” at “ganung” bansag.
Nung isang araw nakatayo kami ng kaibigan ko sa harap ng mall, may isang nakaputi na huminto sa harap namin at tinanong kami kung “magkano kami”. Nabigla kami syempre pero itong kaibigan ko na medyo maloko ay sinagot sya nang pabalang na “We are not for sale, already taken” sabay turo sa asawa nyang parating.. tapos biglang pinatakbo ng nakaputi ang sasakyan nya. Kaya habang nasa sasakyan kami napag-usapan namin ng kaibigan ko ang nangyari. Nasabi ng asawa nya na, “mababa na talaga ang tingin ng ibang lahi sa mga pinay.. tsk..tsk.. “
Nakakalungkot isipin pero “generalization” na ang nagyayari. Minsan naiisip ko, mababago pa kaya ang natin ang ating mga imahe sa tingin ng ibang lahi kung ang iilan sa ating mga kabayang babae ay patuloy naman sa pagkakalat ng dumi (sorry sa term na ginamit ko). At paano…?