Top 20 Signs na you are watching a movie na GAWANG PINOY:
Hi peeps! Gusto ko lang i share sa inyo yung mga signs sa mga Movie na Gawang Pinoy. Kakatuwa lang isipin at balik balikan ang mga movie na yun..kahit korni at super super OA, pero aminin..nakakaaliw din...hehehe..eto na po..PASOK!!!
1. Pag nasa beach yung scene, sasayaw ang cast sa likod ng puno ng buko at
alternate pa yung mga ulo nila.
2. Yung kontrabida na kunyaring friend yayakap sa bida, sabay taas ng kilay
at ngingisi.
3. Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit para
sa kanyang nanay na palaging si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata
para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng
pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng
baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng
"Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral of the story: Ang
pancit, nakakamatay.
4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may
bangs. Yung salbahe, laging kulot.
5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida at binabaril ng kalaban,
sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie
Labalan lagi ang leader.
8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng
pelikula.
9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata."
10. Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan
at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos
itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada habang
padating pa rin yung sasakyan. Ang bida, ico-cross lang ang arms niya to
cover his face tapos sisigaw yung kapatd ng 'kuyaaa!'. Next scene nasa
ospital na sila. Simula na ng drama.
11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag
ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
12. Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang
sasabihin lagi ng bida: "hayop ka!"
13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong madi-discover na
anak pala ng amo niya sa ending.
14. Ang nanay ng mayaman, laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay
ng mahirap naman laging naka duster.
15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.
16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may
pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide
dahan-dahan, tapos todo iyak with matching uhog.
17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga
inutil!"
18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan
niya.
19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo
niya.
20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang
huling frame, tatalon ang buong cast...sabay freeze! (wiiiiiiiiinner! )