Tulong po
Mahal kong mga kabayan,
Nais ko lang pong humingi ng tulong at kasagutan..
Last Wednesday po at 11:00pm, habang binabagtas namin ang kahabaan ng __Road (di ko po alam kung anong road, don po sa may AL Emadi bldg.) naabutan po kami ng yellow signal sa gitna, hindi po namin matantya kung pasok na kami sa linya bago mag pula,nung tumingin po sa kaliwang camera ang asawa ko, nag flash daw po..
--sa amin po ba iyon? chineck na po namin sa MOI, wala pong violation na lumalabas,
--ilang araw/buwan po ba ang iintayin namin para masabi naming walang violation? (at makatulog na rin ng mahimbing dahil hindi po biro ang QR 6K)
Pasensya na po kung nakaabala,naghahanap lang po ng kasagutan at ng magpapalakas ng loob.
Salamat po ng marami.