Usapang Buhay ng may Buhay
Kahit ako ay nagtataka rin bakit nga ba masarap pag usapan ang mga buhay buhay ng ibang tao.
Ano nga ba ang mga dahilan natin?
May mahihita ba tayo?
Nakakatulong ba tayo sa pangengelam sa buhay ng iba?
Matututo ba tayo sa kanila?
Kaya ba nating masolusyonan ang mga problemang kinakaharap nila sa pamamagitan ng pagtatalo talo at paghusga?
O likas lang talagang chismosa ang karamihan sa atin?
"ron_ona said Haaay naku... ...
Bakit ba ang hilig nating pag-usapan ang mga problema ng ibang tao lalo ng mga komplikadong problema na wala naman solusyon?
Bakit hindi natin pag-usapan ang mga problemang KAYO mismo ang involved? Halimbawa lang...problema sa:
1) Pera
2) Trabaho
3) Anak
4) Balakubak
5) Obesity
6) Belly button
7) Baldness
8) Bad Breath
9) Spiritual Health
Yan ang mga problema dapat pagtuunan ng atensyon dahil ang mga ito, ay ang mga SIMPLE pero TUNAY na problema ng lahat at hindi lang ng iilan! Hahaha!"
Kayo ano sa palagay nyo!
Wala lang pong away at hamunan dito. Peace !