Walang pakialamanan??????
Parehong may work ang mag asawang Venus at Jupiter . May gustong bilhin si Jupiter para sa kanyang sarili. Kinuha muna ni Jupiter ang approval ni Venus. Ayaw pumayag ni Venus. katwiran nya sa savings na lang ilagay ang pera na gagastusin dyan. Pero gusto talaga ni Jupiter bilhin yung bagay na yun. Sabi nya pera naman daw nya yun. Pero alam ni Venus na kapag di sya pumayag di naman talaga bibilhin yun ni Jupiter.
Selfish ba si Venus? Hayaan na lang ba nya na bilhin ni Jupiter yung gusto nya? May katwiran din naman ba si Venus dahil sayang ang pera kung di naman kailangan yung bagay na yun? Kasi ang katwiran ni Venus kung di kailangan yung bagay at bibilhin lang dahil sa gusto lang nya ng something new. Ano ba sa palagay nyo?