Pag-aalala ng isang OFW
Hindi ako ekonomista o expert pagdating sa pagbabantay sa US-Peso exchange rate, hindi rin ako masyadong nag-concentrate sa economics nun high school at college ako...pero isa akong OFW (Overseas Filipino Workers) isa sa mga nagpapasok ng dolyar sa ating bansa sa loob ng isang taon. Bilang isa sa OFW at bagong bayani umano ng ating bansa, ako ay labis na naaapektuhan at ang iba pa nating kababayan na halos lumuha na sa pagtatrabaho sa abroad at malayo pa sa kani-kanilang pamilya.
Kung noon college ako nasa 14 pesos pa ang palitan pero ano na ang nangyari nung ako naman ang nasa abroad? Patuloy ang pagbaba ng piso at kung hihina ito palagay ko ay medyo matagal-tagal pa..Nakakalungkot hindi ba? Ok lang sana kung gumagaan din pamumuhay sa bansa pero hindi e..marami pa rin ang ang nagugutom, walang trabaho at di makapag-aral isama pa natin ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin..pamasahe, gasolina, LPG at kamakailan ang pasahe sa bus...
Marami ng hakbang ang ginawa ng OFW pero hindi ito naging sapat upang masagip ang halaga ng remittances natin kaya ang siste tayo ang nag-aadjust sa panggastos natin rito. Hay buhay...
Paano na ang buhay ng mga OFW? Anong paraan ang pwede nating gawin para matulungan ang ating sarili at ang ating mga pamilya?
Buti pa ang piso tumataas ang uri ng pamumuhay patuloy sa pagbaba.