Buhay America daw

glecs
By glecs
HAY, BUHAY AMERICA TALAGA
A friend's friend named 'Maeng Ni' posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa (nakakalungkot din) at totoo.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.


Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay
pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na
P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000+.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay
ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

pananaw ng NAKARARAMI:
Hindi yung actual living condition sa amerika ang importante sa Pinoy. Ang pinakamahalaga ay makapunta sa fantasyland sapagkat diyan namulat ang nga Pilipino simula pa nung kanilang grade school. Gusto nilang makasakay sa eroplano at mamuhay sa kapaligiran ng snow, hamon, keso, mansanas, ubas at maipakita sa mga pinoy sa Pilipinas na naabot na niya ang paraisong
nagbibigay ng credit. Hindi masamang mangarap pero hanggang dito na lang yata ang pangarap ng mga Pilipino.

Kung tutuusin, sino nga ba ang gustong maiwan sa Pilipinas sa mga kurakot na officials? Hirap ka na sa trabaho, wala ka pang pambili ng Oakley, pizza at iPod.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.