Kabayang Pilipina nagtangkang magnakaw...tsk..tsk..
I share ko lang yung experience ng katrabaho kong ibang lahi sa kabayang Pinay. Nahiya talaga ako nung kinuwento niya sa akin yun.
Kahapon (May 12, 2008) sa Sikat na tindahan ng libro sa Ramada..Bumili ng laptop yung katrabaho ko. Pagkatapos nun nagaabang ng taxi sa harap ng tindahan. May 3 Pinay na nagpupumilit sumingit na makasakay agad na wala namang kadala dala..Ngunit hindi nagpaubaya yung katrabaho kasi may que nga at nagmamadali din siyang umuwi ng bahay. Yung 2 Pinay umalis at pumila. tas yung 1 Pinay hindi umalis sa pwesto niya. Inilapag ng katrabaho ko yung laptop sandali dahil manigarilyo siya. Nang mapalinga siya sandali. Nakita niya..yung 1 Pinay na hindi umalis sa pwesto dali daling umalis bitbit yung plastic na nilapag niya. Dali dali niyang hinabol yung babae at sinabi. Akin yan! Bakit mo dinala? Nagalit yung katrabaho ko. Nagsisigaw at hinila yung plastic na binili niya. Sabi ng Pinay...ay sorry..nagkamali ako..at dali daling umalis yung 3 Pinay. Buti na lng hindi nagsumbong yung katrabaho sa Pulis.
Tama ba yun mga kabayan? Grabe talaga yung mga Pinay na yun...intention nila nakawin yung binili ng katrabaho ko. Kasi napansin na niya yung 3 Pinay sa loob ng tindahan, na palinga linga pero wala naman binili. Yun pala naghihintay ng mabibiktima.Nakakahiya talaga..! tsk..tsk..tsk..