Joke Time muna..

chunglai
By chunglai

Martha: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa amin. Kasi, buntis ako.

Guada: Dapat, sa taong nakabuntis sa 'yo ka pumunta!

Martha: Kaya nga rito ako pumunta, eh. Nandiyan ba si pare?

***

may isang pangit na dalaga na humiling sa kanyang Fairy Godfather. Sabi ng pangit na dalaga, 'Ninong Fairy, may mapa ako rito ng Amerika. Dalhin mo ako roon para matagpuan ko ang gwapong lalaki na magmamahal sa akin.' 'Hindi pwede!' tugon ng Fairy Godfather. 'Dito lang sa Pilipinas gumagana ang kapangyarihan ko!'

'O, sige,' pag-ayon ng pangit na dalaga, 'Maging ordinaryong tao ka na lang at pakasalan mo ako!'

Sagot ng Fairy Godfather, 'Patingin nga uli ng 'tang 'nang mapang 'yan at baka magawan ng paraan!'

***

Sa isang restaurant…

RUDOLF: Hot tea, please.

NICOLAS: Ako rin, hot tea. Make sure malinis ang baso. Pagkaraan ng limang minuto…

WAITER: Order n'yo, dalawang hot tea. Kanino nga 'yung malinis ang baso?

***

ANAK: Nanay, ano po ang ulam natin?

NANAY: Tingnan mo na lang sa ref natin.

ANAK: Parang wala naman tayong ref, 'Nay!

NANAY: Ibig sabihin, wala tayong ulam!

***

PEDRO: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?

JUAN: Syempre, pera! Kasi, ang pera, habang tumatagal, lumalaki ang interes.

Ang asawa, habang tumatagal, nawawalan ka ng interes, tapos, inuubos pa ang pera mo

***

T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?

S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi

***

JUNIOR: Inay! Bibili ako ng HIGH CAKE!

INAY: Hindi iyon high cake, anak… HOT CAKE!

JUNIOR: Kahit ano pa siya, pahingi na lang po ng barya!

INAY: Kumuha ka na lang sa SOLDIER BAG ko!

***

MISTER: Isa sa mga bata ang kumuha ng pera sa pitaka ko!

MISIS: Sobra ka! Ba't mo pinagbibintangan ang mga bata? Malay mo, ako?!

MISTER: Siguradong hindi ikaw! Kasi, may natira!

***

REPORTER: Ano po ba ang nangyari?

IMBESTIGADOR: Ninakawan ang opisina ni Congressman Curacot.

REPORTER: Malaki siguro ang natangay. Ngayon ko lang nakitang nagalit nang ganyan si Congressman Curacot.

IMBESTIGADOR: Maliit lang. Pero talagang ganyan ang buhay. Ang magnanakaw, galit sa kapwa congressman!

***

MISTER: Alam mo, kahit lasing akong umuwi, hindi naman ako maingay.

MISIS: Hindi ka nga maingay, pero 'yung dalawang bumuhat sa 'yo, maingay!

***

Naglalakad ang dalawang lasing sa riles ng tren…

LASING #1: Pare, ang hirap nitong hagdan… ang daming steps!

LASING #2: Hindi lang 'yan, pare… ambaba ng hawakan!

***

Ang tawag sa gumagawa ng tubo, TUBERO. Ang tawag sa kumukuha ng basura, BASURERO.

Ang tawag sa mahilig sa gimik, GIMIKERO. Sa maraming babae, BABAERO.

Ang tawag sa nakaupo sa kanto…

Tambay, pare. Tambay.

***

Sa tindahan ni Aling Nena…

Ely: (pasigaw) Pabili po ng SAFEGUARD!!!

Aling Nena: (galit na sumigaw rin) Huwag kang sumigaw riyan! Hindi ako bingi! Anong SIM CARD?!

Globe o Smart?!

***

William: Absent ako kahapon, kasi, nakunan ang nanay ko at ako ang naiwan…

Titser: Speak English because this is an English class.

William: I was absent yesterday because my mother was subtraction and I was the remainder!

***

Sa psychiatric ward…

Nars: Nasa isip mo ba ang pamilya mo?

Pasyente: Oo naman! Syempre!

Nars: (natuwa) Nasaan na ba ang pamilya mo?

Pasyente: Nasa isip ko nga, eh! Tanga ka ba?!

***

'Hindi lahat ng malaki ang tiyan at nakapula na namimigay ng Pamasko, si Santa Claus…' – JOLLIBEE

'Hindi lahat ng may sayad, baliw.' – GULONG

'Hindi lahat ng magaling kumanta, singer.' – POLICE INFORMER

'Hindi lahat ng nilalawayan, batang nausog.' – SOBRE

'Hindi lahat ng kuneho, tumatalon.' – PHILIPPINE RABBIT

'Hindi lahat ng bumabakat, malaswa.' – BILBIL

'Pansalo lang ba talaga ako ng itlog?' – BRIEF
***

Host: What is your edge over the other contestants?

Contestant: My edge is... 21 years old.

Host: How do you see yourself 10 years from now?

Contestant: I'll be 31

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.