Buhay OFW......May patutunguhan nga ba?
by ron_ona
Para sa atin nandito sa abroad, hanggang kailan ba talaga tayo dito? Ano ano ba ang mga target natin sa buhay?
Tungkol sa pag iipon, marammi ba talaga sa atin ang nakakipon ng sapat? O ito ay nagagamit ng pamilya natin sa pang araw araw na gastos at halos wala ng natitira pag uwi natin?
Paano ba talaga tayo makakaipon kung kaliwat kanan ang gastos sa Pinas. Hindi pa kasama dito ang luho ng kamag-anak (pasalubong, malling, N73, i-pod, PS3, etc) na dati rati'y okay lang pag wala. Bukod sa pang araw araw na gastos, may sapat bang kakayahan ang pamilya natin para maka pagtabi at maging matipid para magkaroon ng sapat na ipon doon?
Hanggang kailan ba talaga tayo dito sa abroad? At pag uwi sa Pinas, ano na ang susunod na mangyayari? Mag negosyo, ng ano? O baka ang naipon ay ma uuwi lang ulit sa pag aaply at pang placement at ayun, balik uli sa abroad.