Iba't ibang uri ng ka-opisina

tatess
By tatess

Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase lang ng empleyado.

CLOWNS - ang official kenkoy ng office. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP sa office na dahil hindi naman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang opisinang walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo ang pagpasok sa work
araw-araw.

GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kung isa-substitute ang value ng debit sa credit.

HOLLOW MAN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa office bagamat present eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.

SPICE GIRLS - barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na hairbrush at songhits [how jologs!-uso pa ba to?]. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-grupo.

DA GWAPINGS - ang male counterpart ng Spice Girls, isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Da Gwapings.

CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance. Athletes ang ilang 'varsitarians' na kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work. Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.

GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-work, kahit na laging mali.(hahaha)

LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.

WEIRDOS - mga problematic employee, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang evaluation, at boss's enemy.

MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga Endangered Species kumbaga. Straight 'A' employees pero well rounded at hindi geeks. Boss's pet pero hindi sipsip.Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at gimiks.. Hanep!

BOB ONGS - Mga medjo matino na may sayad...

COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.

Ikaw, san ka kabilang?

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.