Kabayan...maging maayos naman tayo sa pagmamaneho..
Alam naman natin na dumarami na ang sasakyan dito sa Doha..dahil dito ay unti-unti nararanasan natin ang traffic sa umaga, lalo na kapag meron din pasok ang eskuwelahan, na ang lahat ay nagmamadali...ang iba'y hinahatid muna ang kanilang mga anak bago pumasok sa kanilang trabaho..
Kaninang umaga kung saan ako'y malimit dumaan patungong sofitel area galing ng muntaza signal... kalimitan kung tayo ay kakaliwa lalo n stop light madalas tayo ay pumupuesto na sa kaliwang lane...nung mag-green na ang stoplight, eh biglang meron sa akin nag-cut galing sa right lane papuntang kaliwa na kung saan ako ay padiretso..at dahil iniwasan ko napilitan na akong kumaliwa din...at nagkataon traffic at nagkapantay ang aming sasakyan..sinubukan kong kausapin ang driver..ayun kabayan pala natin...hindi naman nya inamin ang kanyang pagkakamali...saka lang humingi ng dispensa nung banggitin ko na lang buntis ang asawa ko at delikado ang kanyang ginawa...nung umarangkada na ang mga sasakyan...si kabayan nakapuesto na naman sa right lane at ura-uradang kumaliwa ulit dahil balak na naman pala ulit kumaliwa sa stoplight...tsk..tsk..tsk...si kabayan talaga dinadala ang style ng pagmamaneho nya dito sa Qatar...sa likod ng kanyang sasakyan eh meron pang sticker ng ating flag...at meron pang sticker ng "child on board...sabagay kasama nga naman nya ang kanyang anak...pero hindi ba dapat mas maingat tayo sa pagmamaneho dahil kasama natin ang ating pamilya...at ginagawa nya ito na kasama ang kanyang anak...so ano ang magiging pananawa ng bata..na ganito dapat ang style ng pagmamaeho...di ko nasasabihin ang plaka pero sportage ito na kulay gray..
Kaya sa ating mga kabayan maging mahinahong sana tayo sa daan lalo na kapag kasama natin ang ating pamilya...