Tula: alay ko sa Filex
Dahil sa problema ko noon
Nasumpungan ko ang site na ito
Naghahanap ng malilipatang Trabaho
Kinailangan kong maging myembro
Bago naipaskil ang aking pagsamo
Sa kasamaang palad wala akong natamo.
Lumipas ang isang linggo
Ako ay napilitang sumuko
Di sinasadya napindot ko
kulay bughaw na titulo
At mula noon aking napagtanto
Sa aking laban di ako nag-iisa
At Sa Qatar ako ay may pamilya
Nasimulan ko ang unang talata
Ng aking munting tula
May pumansin at may natuwa.
At ng minsang naimbitahan
Ako ay nagpunta sa pagtitipon
Mga masasayang mukha'y nasilayan
Nawala ang aking agam-agam
Sila na ngayon ay aking mga kaibigan.
Tsaka na ang huling bahagi...ginagawa pa ng bestfren ko doon