OCULAR INSPECTION (Pulis Report)
GREETINGS EVERYONE!
Gusto ko lamang po ipabatid sa inyong kaalaman na ang inyong lingkod kasama po si Sir TD, Madame O at KE ay nagtungo po sa lugar na paggaganapan ng atin pong selebrasyon sa May 01. Naghanap po kami ng magandang puwesto na aangkop sa bilang ng mga dadalo at ikinalulugod ko pong sabihin na meron na po tayong lugar na pagdadausan ng 2nd anniversary ng Filexpat in Qatar.
Lahat po ng kasama sa selebrasyon na ito ay malugod ko pong iniimbita na dumalo sa pamumuno po ng ating admin (TD, Owen and Celia_j) sa mga sumusunod na detalye sa baba:
WHAT: General Meeting
WHEN: 27 April 2009 (2030 hrs)
WHERE: Mother Studio
AGENDA:
1). Para pagusapan po ang iba pang detalye sa preparasyon sa nalalapit na pagtitipon sa May 01.
2). Upang ilahad ang mga saloobin, hinaing, reklamo, suhestiyon at ang inyo pong reaksyon sa mga nakalipas na kaganapan sa ating tsismisan ng bayan (E CHANNEL)..
Ito na po ang inyong pagkakataon para ibulalas sa mga kinauukulan ang inyong mga katanungan, at kung meron mang samaan ng loob ng sa gayon ay atin pong mapagusapan at maliwanagan at lahat bago pa sumapit ang naturang selebrasyon.
Ako po ay naniniwala na ang lahat ng bagay ay mapaguusapan basta't tayo pong lahat ay bukas ang isip na tumanggap ng ating pagkakamali at bukal sa loob na tumanggap din ng suhestiyon ng iba na sa iyong tingin ay hindi makakabawas ng iyong pagkatao.
Inaasahan po namin ang inyong partisipasyon sa pagpupulong na ito..
MARAMING SALAMAT PO!