Ang di magandang impression sa pinay….
by rainbow_naiad
Share ko lang po ang nakaka inis na nangyari sa kin kahapon..
I was about to pick up my friend from her office yesterday, her office is opposite Qatar National Hotel (QNH) in C Ring Road.
Nung magpapark na ko sa my Parking area bago Mag QNH, may sasakyan sa likod na bumubusina. All along akala ko may mali akong ginawa (bago lang po ako nag dadrive kaya medyo kinakabahan pa ako), di pa nasiyahan sa pagbusina yung na sa likod, what he did is lumampas siya ng konte tapos bumalik ng dahan dahan at tumapat sa kin, He was trying to say something pero di ko maintindihan ang ginawa ko binaba ko ung window sa may passenger seat, He was asking for my mobile no. syempre ang tanong ko “ WHY?” and his reply was “Why you don’t like me?” sagot ko naman “What is your problem?” at ang sabi ng walang modong ibang lahi na to “Come to my house and have S_X with me” na shock ako as in nanginig ang katawan ko sa sobrang galit ..kaya ang nasabi ko na lang sa kanya“I will call the police” bigla siyang nag pa andar ng pagka bilis bilis” eto po plate no. niya..22065 mag ingat po kayo sa taong may ari na sasakyang eto… wala na po siguro yata sa katinuan ng pag-iisip kaya siya naging nagkaganyan. Alam ninyo bang balot na balot pa ako sa suot ko kahapon..
Galit na galit ako kahapon sobrang kaba ko pa, pag nasa stage kasi ako na ganon di ko na alam ang gagawin ko, matatakutin kasi ako. Next time pala dapat di nag bababa ng window ng basta basta…..haysssss
Bakit nga ba ganito na lang ituring ang Pilipina??? Mahirap na lang magsalita pero sana naman mabago natin kung anong pagtingin meron ang mga ibang lahi sa atin. Kadalasan kasi ung mga walang ginagawang pasaway ay nadadamay..
We are here to earn and gain some respect.
Pasensiya na po kayo medyo na naging emotional ako…Gusto ko lang ilabas ang aking saloobin ..