Good Morning!
Magandang umaga sa lahat, me isang filex memeber na nag pm sa akin at humihingi ng tulong sa atin dahil isa siya sa mga nasalanta ng bagyo . Ang mga anak nya lang at matandang biyenan ang nasa Pinas nung kasagsagan ng baha at wala silang nailigtas na gamit kundi mahahalagang dokumento at computer.Mabilis daw ang mga pangyayari kaya walang nagawa ang mga bata kundi iligtas ang kanilang mga sarili at ang 85 years old na lola nila.Nanghiram na nga lang yung panganay nya sa co worker ng damit para pumasok at lahat ng gamit sa school ng mga anak ay naglahong lahat.
kailangan nilang makapag umpisa ulit.they need towels , blankets at iba pang gamit, like cooking utensils,plato at kahit anong maitulong nyo ay malugod nyang tatanggapin.
Nahihiya po siyang magsabi sa inyo kaya ako na lang gumawa ng thread.
thank you .