Fraudulent Account.... anyone?
di na lingid sa atin ang talamak na pagsulpot ng mga trolls, impostors & whatevah dito sa QL. Maging sa ibang online community eh talagang naglipana ang mga ganyan.
itong linggong to, 2 online community na may "fraudulent account" ang nakapg-bahala sa akin ng todo, as in bonggang-bongga: ang FB at FS.....
Ang FB account ni JB ay nkakapanlumo dahil sa wlang puso, damdamin at kaluluwa nyang komento sa ating kababayan at mahal sa buhay na napinsala ni Ondoy...
Kagabi ko lang nasilayan ang FS account ng isang tao na animoy isang kaibigan/ kakilala...Bagamat sa isang tingin eh masasabing kilala ko nga ang nsa avatar, na-curious 2loy ako kc ibang name ang gamit nya.Ngunit, subalit, datapwa't pero nanginig ako sa pagkabigla ng aking siyasatin ang profile ng taong ito, As in tlgang nakaka!!! sa malalaswa at mapanirang salitang nilalaman nito. halos lahat ng kakilala ko (kabayan & ibang lipi) ay in-invite ng bruhilda. Agad kong blinock ung acct. nya & calls from common/mutual friends assured that they also blocked "her" & advised me to "just ignore".
- ang akin lang, kakaibang level ng gratification ng mga taong gumawa ng mga ganito, sa case ni JB -no comment nlang dahil mas mahalaga ung mga kaibigan, kakilala at kapamilya ko pra pagtuunan ko pa sya ng pansin (KSP yta kc), pero d ko ma-take ang kung ano mang trip meron ung bruhilda sa FS.
Tama bang sundin ang advise na: Just Ignore..... ????