Pilipinas sa opinyon ko..by plushed
Habang nagbabasa ako ng mga comments sa isang thread ( http://www.qatarliving.com/node/830125 ), nakuha ng atensyon ko yung isang comment dun..
Madalas ko nababasa dito na marami sa atin pinagtatanggol ang ating bansa pero may ilan na nakikita ang kabulukan at dun tumitigil.
Sa bansa natin, laganap ang corruption, political strife, rally dito rally doon (na nakakairita lalo na nung nag aaral pa ko dahil nagcacause ng grabeng traffic). Madaming masamang aspeto kung titignan mo at hihimayin.
Pero ang higit na nakakasira sa ating bansa ay kawalan ng pagmamahal dito. Patriotism. Ipagmalaki ang dapat ipagamalaki, sa pagtingin sa masamang aspeto, tignan din natin ang magandang aspeto.
Nakakalungkot ang nangyayari sa bansa natin, pero kung susuportahan natin ito, mamahalin in spite of all these.. makakabangon din tayo. wag lang tayong mawalan ng pag asa. :)
NOTE:
Hindi ako idealistic, optimist lang. sabe nga nila:
“If you want the rainbow, you must first go through the rain...”
by plushed