mayaman vs. mahirap
Kung mayaman ka, meron kang "allergy"
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"
Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo
Kung mahirap, "TB" yon
Sa mayaman, "hyperacidity"
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan
Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"
Pag mayaman ka, you're "eccentric"
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"
Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba”
Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain
Kung mahirap, "nagtitiis"
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated".
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"
Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka.
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista"
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"
Habang kakaawa ang mahirap na "kumakain ng damo."
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom"
:
:
:
:
:
: