Kabayan,

Sa pag kakaintindi ko eh, wala kang choice kundi magpa cancel , sabi mo nga bibigyan ka ng NOC pero sa condition na i cancel ka ng present sponsor mo.
Try mo na maghanap ng work bago ka i cancel at siguraduhin mo na ayos ang lahat bago ka umuwi sa pinas at hintayin ang bago mong visa. Nangyari na kasi yan sa pinsan ko na cancel siya at nakakuha naman ng bagong employer so ibinigay niya yung original NOC para sa bagong visa kaya lang ay hindi siya nabigyan ng visa at nawala yung original NOC at ayaw na siya bigyan ulit ng dati niyang sponsor. Good Luck.