Filipinos... in the workplace
Pilipino... kilalang masipag at talagang dedicated pagdating sa trabaho, anumang hirap tinitiis para maging maginhawa ang pamumuhay ng mga minamahal sa Pilipinas...
Nakakalungkot man isipin na sa mga magagandang katangian na kagaya ng mga nasabi ko.. may kakambal na negatibo. Ganun lang siguro talaga ang buhay, hindi perpekto... Nakakainis pero andun pa din yung munting pag-asa sa puso ng sinuman na sana dumating ang araw na magbabago yung isang bagay na yun... ang pagkakaroon ng CRAB MENTALITY..
Siguro naman, naranasan nyo na sa mga trabaho nyo na kahit anong sipag ang gawin nyo.. nandun pa rin ang "utak-talangka" ng ilan sating mga kababayan, akala mo'y tinutulungan ka sa isang trabaho yun pala ay kinukuha na ang credits sayo, at kung umaangat ka man gawa ng totoong sipag at tyaga, nariyan naman ang paninira at paggawa ng mga iba't ibang uri ng istorya.. nakakalungkot isipin na gusto nating umasa na kapwa natin kabayan ang magsasalba satin kung may ibang lahi na didikdik satin.. pero minsan mali... di ko sinasabing lahat.. bato bato sa langit ang tamaan.. SAPUL!
Pero gaya ng sabi ko, hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso ko na darating ang araw, ang bawat indibidwal na Pilipino magtutulungan para sa ikakangat ng lahi natin...
..aasa pa din ako.