HAY BUHAY MIDDLE EAST TALAGA
received this email this morning ..nde ko alam if na post na dito...nakakatuwa din basahin may mga punto din ang nagsulat nito....
HAY BUHAY MIDDLE EAST TALAGA
Ang maiksing kwentong ito ay pra s kapwa ko OFW's dito s Middle East....
Nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Middle East ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
kang utang dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash padala sa pinas. Kasi pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka na at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo ang pinapadala mong walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna ..
Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda, sarap ng kainan nila di nila alam ikaw nagtitiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, asawa't anak, mga pamangkin at iba pa na namumulot ka ng pera sa Middle East. Kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan na ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa sa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan, dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW na tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na khit mahirap kasama mo naman ang pamilya mo! Dito s Middle East utang mo ang kasama mo na lalong dumarami. Di ka na nga makauwi kasi ultimo roundtrip ticket mo kina-cash mo mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na sa kulay ng buhok mo na uso at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas ka nalalagas pa!
Pag-uwi mo ng pinas big time ang dating mo kasi mestiso ka na, maputi at mamula-mula na ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka, mga kapitbahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alamanan at kung lalabas ka masusunog ang balat mo sa tindi ng init ng araw, sobra!
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse dito
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster o Bus na ubod ng alam mo na ang amoy ng mga pasahero at pagbaba mo ay amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak.. Pag minalas ka pa mga manyakis at rapist na patan at arabo ang makakasakay mo.
Akala nila masarap ang buhay dito, ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho terminated ka, gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo o bka merong kabayan na magsumbong sayo at ipahuli ka sa pulis dahil kasama mo ang jowa mo, pero madami pa din sa ating mga matatalinong kabayan ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal!!
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng mga picture mo na nakakampay hawak ang alak sa loob ng isang sosyal na hotel, picture na sumasandok ka ng masarap na pagkain s buffet area ng isang sikat na kainan, picture na nakatabi ka sa ferrari, lamborgini, ducati, sa corniche at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapagpapicture.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase ibang pera ang sinusweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
yun pa rin ang perang ginagastos mo dito. Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
Ang sardinas P15 sa Pilipinas dito pag nagconvert ka aabot ng P30 ang isa, ang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P25.00, dito aabot ng P70 ang isang kaha, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o hepa nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .
Akala nila buhay milyonaryo ka na, kasi paguwi mo ng pinas ang dami mong pera, ang mamahal ng gamit mo, ang bango bango mo palagi, bili ka dito bili ka dun, gimick kung saan saan at libre lahat ng barkada mo. Nag pa-lypo ka pa kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, pero ang totoo nagloan ka ng bongga sa Banko na huhulugan mo ng tumatagingting na limang taon - dun na mapupunta lahat ng sahod mo kasi monthly na bayad sa loan mo, credit cards at iba mo pang bills wala nang matitira sayo.
Hay naku si kawawang Juan one day millionaire pinahawak lang ng pera nakalimutan na ang darating na mga araw. Ibig sabihin, alipin ka ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga dimo ginamit ng maayos ung perang hiniram mo, magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
Madaming naghahangad na makarating sa ibang bansa. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, dahil sa hirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo.
Pero ganun din sa ibang bansa mas mahirap pa dito kasi wala kang outlet ng stress mo! Hindi mo kasama ang mahal mo sa buhay - ang pamilya mo at sa katutuhanang madaming bawal dito!!! .
Hindi porke't riyals o ano p mang pera ang sweldo mo ibig sabihin yayaman ka na, kailangan mo pa din magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa, katulad din ng ginagawa natin sa pinas.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan mo at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas o iniigib ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Mahirap mangibang bayan…at manilbihan sa dayuhan at ang malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan. Hindi masamang magsaya at gumastos para sa sarili, pero Juan magiwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
(please share)