Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...(Here's the PEACE we knew then, before there was PROGRESS) Part 2
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng Internet, computer, at cell phone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter-strike at mga game boy.
Tayo noon... Doon...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong:
sumagot sa Multiplication Table na kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; paramihan ng makukuhang bayabas o manga
pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso;pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo(matitigas ang ulo); nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba?
O kaya naglagay ka ba ng karton sa p'wet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pagpili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong?
O kaya ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo 'pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre;"
Tuwang-tuwa kami 'pag tinalo ang tinale ni Lolo/Tiyo kasi may tinola!
'Yung crush mo?
'Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
BAGUIO OIL ang mantika,
mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong (singko isang CHICHARON) 'pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglulukot ka ng banig pagkagising;
matigas na almirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, 'di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May timba/walis tingting.basahan kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
'Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
'Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" 'Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isa't-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka nang taya sa holen.
'Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
'Di natutulog si Inay, nagbabantay 'pag may trangkaso tayo;
meron tayong Skyflakes at Royal sa tabi.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!>
Pustahan tayo, nakangiti ka pa rin, tulad ko!