humihingi po ng advice ninyo.....
hello andito pa din ako sa pinas medyo naguguluhan sa ngayon kung itutuloy ko yung apply ko diyan.....
nag apply ako as lady driver sa agency dito sa pilipinas nitong first week of july dahil sa nakita kong open sila sa workabroad.ph at sila ang nagoofer ng pinakamataas na sahod kung ikukumpara sa iba para sa mga first timer lady driver worker abroad sa hirap ng buhay dito sa atin kahit 1500 grab ko na....( yun na yung pinakamataas talagang offer huhuhu)inisip ko nalang na ok na din kesa wala libre naman daw po lahat...
nagpamedical na ko july 19 tanda ko hanggang sa salamin at contact lens ginastusan ko para lang makapasa sa medical ....
nakita ko visa ko dumating at tinanung ko na din dito yun nuon na nakalagay sa profession ay servant imbis na driver... sbi ng agency ok lang daw yun basta daw driver lang talaga job ko...
after hiningan nako ng pambayad sa stamping ng visa sa embassy at mga 10 working days daw yun....
tapos after 15 days tinawagan ako report daw ako....
pinapirma ako ng application for philhealth igayaw ko na daw pang placement ko which is 1 month of my salary at 5thousand for processing sa poea...mag o owwa padaw ako for language buti nalang at meron nako before....kaya lang sinabi nug kausap ko sa agency na yun daw J.O e wala pa silang approved sa agency nila kaya daw sa kabilang agency ako ipapaprocess wala naman daw kaso yun kasi sister company /agency daw nila yun....
kanina tinawagan ako ng agency at sinasabing yung daw employer ko naiinip na at urgent daw na kelangan makaflight nako dis week ....kaso ang problema di na daw iproprocess dito pinas yung contract ko kasi daw matagal pa kung ipaprocess sa poea.....mayroon na daw akong individual contract at me stamp na ng polo sa qatar...pirma nalang daw ako pagdating dun....at yung nakalagay sa visa ko na employer ko ay KHAZNA HAMAD BLANK BLANK ( BAKA KSI MEMBER DITO YUN MAHIRAP NA)pero nakita ko ngayon sa contract na email nila sa akin ay ang employer ko ay GLAMOUR GIRLS BEAUTY CENTER...na parang naiba na dun sa visa ko dun sa nakaindicate sa contract ko.....
yun po bang mga visit visa na dyan na nakakita ng job di po ba di na kayo dumaan ng poea ??? e panu po yun in case wag naman pahintult na magkaproblema matutulungan po ba kayo ng OWWA at poea gayung hindi kayo naka register.....yun po kasi sinasabi ng agency na marami naman daw po na nandyan na di na dumaan poea at dyan nalang work e....
PROBLEMA PA housekeeper nakalagay sa contract ko at hindi lady driver....
binabawi ko na nga po passport ko kanina kaso ayaw nang soli e kasi daw po may stamp na ng visa di na daw po pwede.....
anu po kaya gagawin ko napakahirap naman ng sitwasyon ko dito....
humingi na din ako ng payo sa isang kaibigan ko dito sa FILEX e nahihiya nadin ako sa kanya sa kaulitn ko kaya sa inyo naman ako mangungulit...
censya napo napahaba na ito.....ALAM nyo po ba yung GLAMOUR GIRLS BEAUTY CENTER?? anu po ba mbabait po ba mga staff duon?? may pinoy po ba kayo nakita duon.... salamat in advance sa lahat...