"joke time muna tayo"
Si Mister may nakitang 100 piso at 3 butil ng bigas sa drawer ni misis
Mister:Ano to?
Misis: ummm.. hon, magtatapat na ako... Tuwing nagtataksil ako sau, naglalagay ako ng isang butil ng bigas sa drawer...
Mister: Eh ano ung 100 piso??
Misis: Nung naging 4 na kilo na ung bigas, binenta ko na!!
Mrs: Honey, naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman, darling.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.
Juan: Inay, iyong kaibigan kong si Pedro, hindi ako pinagkape sa burol ng tatay nya.
Nanay: Hayaan mo anak, kapag namatay ang tatay mo, hindi rin natin
pagkakapehin ang kaibigan mo.
Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po kasi ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana sa akin ah. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, ang pogi pogi po kasi niya eh=))
Husband: When I get mad at you, you never fight back. How do you
control your anger?
Wife: I clean the toilet bowl.
Husband: How does that help?
Wife: I use your toothbrush.
Husband: Hindi ako makatulog, lagi kong naiisip ang utang ko kay
pare na dalawang milyong piso.
Wife: Tawagan mo si pare, sabihin mo, hindi ka makakabayad para sya naman ang hindi makatulog.
GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa
silip nang silip dyan?
Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na
"Sugarfree."
GMA: Bobo! Banda yun!
Teacher: Magbigay ng halimbawa ng may number.
Boy: Cellphone, calculator, keyboard, clock at remote control!
Teacher: Very good. Ano pa?
Boy: Ang tatay ko pa. May number 2:((
Frat leader: Balita ko, gay ka?!
Member: Hindi ako bakla! Chismax lang yun ng mga chuvanes na walang
magawa sa mga chenelyn nila! Mga chaka ever! Me, Baklush? Haller?!
Bitoy: Dagul, bakit ang pandak mo?
Dagul: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako.
Bitoy: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?
Dagul: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!;))
An alcoholic son wrote a letter...
Beer dad,
Gin na ako iinom ulit, Whisky kelan. Tanduay mo yan, tiTequilan ko
na talaga, pRhumis po!
Your San, Miguel=))
Juan: Pedro, nasaksak ako! Walang hinto ang tagas ng dugo. Please,
call me a doctor. Call me a doctor, bilis!
Pedro: Sige, you're a doctor! Doctor ka Juan! You're a Doctor! Doctor kah!
Sulat ng isang Ama para sa kanyang minamahal na Anak
Dear Son,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad na nabili kong shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay, akala nila ay hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang Jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.
Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.
Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love, Papa
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha?