My Dear QL Filexpat members

treysdad
By treysdad

My Dear QL Filexpat members,

Magandang gabi po sa inyong lahat.

First of all let me remind you of what I always tell on our gatherings - "For every successful gathering, there will always be detractors out to discredit the group." It's a proven phenomenon happening with each and every successful gathering.

Ngayon yung mga issues:

1. Gatherings and activities :
Gatherings o pagtitipon na para sa lahat ng miyembro eh nasa group page ang announcement. Basta magpatala lang kayo. Bakit ? Una para malaman kung kakayanin ng venue ang dami ng dadalo. Pangalawa para din ma-assign ang mga dadalhin o divide ng amount kung contribution.
Bakit minsan may contribution? Hindi para magkapera (non-profit group ito). Minsan kasi may venue tayo na gusto nila dun tayo kumuha ng pagkain at di puede magdala ng outside food. At naranasan din namin na minsan talagang nag-uumapaw sa dalang pagkain at sayang naman kaya yung ibang contribution napupunta sa food yung iba sa mga gamit (plates and utensils) at iba sa prizes and surprises.
Ang mga organizers ng activity ay purely volunteers. Sa halip na batikusin na hindi maganda ang isang gathering o activity, mas maganda na magpasalamat tayo sa mga taong ito na ang hangarin lang ay makapagbigay -saya sa mga kapwa Pinoy o kapwa-QL Filexpat member. Ako nga mismo minsan nahihiya sa kanila dahil mas pursigido pa sila sa mga activities kaysa sa akin dahil sa trabaho ko. Kaya naman lagi nandun ang suporta ko sa maganda nilang layunin.

2. Other gatherings:
Syempre dahil madalas na nagkikita nagkakaroon ng "circle of friends" within QL FilExpats. So may mga gatherings din between friends at dahil members din sila lahat ng QL Filexpats ay para na ring gathering ng QL FilExpats yun. Matatanda na tayong mga members dito sa Qatar. Eh nakapagdesisyon nga na iwan ang pamilya sa Pinas at pumunta dito kaya palagay ko naman ay may sarili silang desisyon kung ano ang gagawin nila. Kung mapikon ka, sumama loob, eh nasa sa iyo na yun.
Ngayon, ang hiling ko lang, kung may gathering na hindi open sa lahat (meaning walang official thread announcing the gathering or activity), eh wag na pag-usapan ang mga nangyari sa gathering na yun sa thread. Bakit? Kasi yung iba nagiging out-of-place sa discussion at nagkakaroon ng impression na may "elite group" (impression yun ha... kahit alam ko na wala naman).
Ito pa ang mahalaga .... kung nagkaroon ng alakdan o tong-its sa mga separate gatherings na ito.... huwag nyo na i-post dito yun. Tandaan nyo marami ang nagbabasa ng QL. 'Di ba yung thread ni ron_ona naging article sa isang lokal na dyaryong Ingles. Baka mamaya matunton kayo eh baka magkahulihan. Alam naman natin na kailangan ang lisensya sa alakdan at bawal naman yung isa.

3. Threads and posts
Una basahin ang "Community Guidelines" marami lumalabag dito. If you post on the main forum - post in English. Nakakahiya kasi na lagi tayong Pinoy ang identified na often transgressors on this Guideline. Parang hindi tayo marunong umintindi at bumasa.
We do not own QL. We are very much grateful that the owners of this site have allowed us to grow and share our thoughts as a Filipino Family.
Isa pa ang lagi naming reminder: "Think before you post!". Basahin mo muna kung nakakasakit ka ng damdamin ng iba.

4. Membership
Marami na tayong members - more than 700 pero ang active ay mga less than a 100. Karamihan eh read mode. Karamihan din ay enjoying their anonymity. Maganda nga sana kung may kabuluhan sa lahat ang posts... pero hindi ganun yun... hindi kami censor... kahit sino puede magpost kung ano gusto niya pag-usapan basta walang murahan, personalan, mga sekswal na salita, at mga bagay na hindi akma sa kagandahan asal. Propesyonal naman lahat tayo dito kaya alam natin ang nasa kagandahang asal o hindi. Kung hindi mo gusto ang topic eh iwan mo na lang at huwag na mang hijack o mang-asar.
Isa pa meron tayo call for volunteers na mag-organize ng next activity pero wala pa yatang nag-volunteer up to now.
Maraming gusto na maglinis tayo ng membership. Ibig sabihin yung mga mababa sa 100 points eh alisin na.... hindi ko pa ginagawa yun kasi baka naka-read mode naman yung mga iyun. O kaya papunta-punta lang sa internet cafe para magbasa ng QL. Yung iba naman nakakapag-internet lang kapag wala ang masungit nilang landlady na madalas eh kabayan pa naman.
Hindi namin encourage ang ligawan dito pero matatanda na tayo. Nasasainyo na yan. Kung mabasted kayo o maloko kayo eh huwag nyo naman isisi sa grupo. Ang relasyon nyo eh personal hindi naman tama na pagnagkasiraan kayo eh damay ang grupo.
Hindi rin encouraged ang utangan. Kung umutang kayo at magpautang eh personal na desisyon nyo yan.
At dahil first and foremost VIRTUAL GROUP ang QL Filexpat eh hindi maganda na husgahan mo ang buong grupo dahil sa naranasan mong hindi maganda sa iilan. OK?

All in all, I'm happy with the growth of the group and the activities that have been done. It generated a lot of camaraderie, friendship and enlarged the circle of friends of most members. It has also generated a closeness and concern of a Filipino Family that most of us miss here in Qatar. We have helped a lot of kabayans through information dissemination. I hope we continue with what is positive with the QL Filexpats group. I do hope your QL Filexpats experience is as happy and as positive as mine.

Mabuhay at maraming salamat po!

TD

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.