nanghihina ka na ba?
mapalad ka aking kababayan,
'pagkat lakas ng loob ang iyong puhunan
sa pagpunta dito sa gitnang silangan
marami sa atin, pinangungunahan ng takot
umiiwas na sila'y malungkot
hindi bale nang walang perang madukot
basta't magkakasama sa maliit na kumot
sino ba ang ayaw guminhawa?
kahit na magpa-alila sa mga banyaga
kung ang kapalit naman ay ginhawa ni ina
kahit anong init aking iinumin
kahit anong lamig aking lulunukin
muli't muli kong sasariwain
lakas ng loob ko'y hindi mananakaw sa akin
huwag mo sabihin sa akin
pinanghihinaan ka na rin
palitan mo ng ngiti ang bawat hikbi
palitan mo ng tuwa ang bawat luha
unti unti mong mapupuna
kay bilis ng araw ikaw pala'y uuwi na.
copyright© fRanCisM November 2009