PILIPINO AKO: Dapat Bang Ipagmamalaki O Ikahihiya Ko?
PILIPINO AKO: Dapat Bang Ipagmamalaki O Ikahihiya Ko?
(copyright:nephi2kphsept09)
Nang dahil sa kahirapan sa bansang sinilangan
Ako’y napadpad sa Gitnang Silangan
Dito’y nakikipagsapalaran para sa hangad na kaginhawaan
Umaasang kapalaran ko’y dito matagpuan
Sa apat na buwan sa lupang disyerto
Katotohanan ngayo’y aking napagtanto
Ang mga haka- haka sa mga kababayan kong Pilipino
Ang mga kuro-kuro ngayo’y nasaksihan ko
Kapwa Pilipino ang naglalaban dito
Sa ospital,sa gobyerno, pribado at sa kahit saang dako
Isip talangka ang umiiral, nawala na ang pagkapropesyunal
Ikinalulungkot ko, ganito pa rin ba tayo kahit sa ibang ibayo?
Kung sa Pilipinas laganap ang prostitusyon
Walang pinagkaiba sa sitwasyon dito ngayon
Kabayang babae o mapalalaki
Basta’t may pera kahit anong istsura ay okey na
Pakikipagrelasyon dito ay di lingid sa karamihan
May asawa sa may asawa makikita mo kahit saan
Di naman sa nangingialam,mga pamilyang iniwan ay paano na lang
Di rin sila pwedeng husgahan, dahil lahat sila ay may kanya-kanyang dahilan
Nang dahil sa pangungulila marami akong nakikilala
Arabo, Indyano, Amerikano, Tsinito, Koryano,at kung ano-ano
Nakakataba ng puso ang kanilang kinukwento, sa mga PILIPINO sila’y saludo
Ang mga Pilipino daw, masipag, matalino at magaling pagdating sa trabaho
At higit sa lahat sa pakikipag-usap at pakikipagkapwa tao tayo ay panalo
Ipagpaumanhin ninyo ngayon ako’y litong-lito
Kung ako ba’y matuwa o malungkot na akoy isang PILIPINO
Kung may positibo marami ding negatibo
Ayoko namang magbabalat-kayo
Di ikinakaila na wala na akong magawa
Kundi itayo ang nalugmok nating BANDILA
Sa pakikibaka tayo’y magkaisa
Upang sa buong mundo taas nuo kahit kanino pa
PILIPINO AKO- sabay-sabay tayo
IPINAGMALAKI KO NA AKO’Y ISANG PILIPINO.