USAPANG OFW
First case:
Updated ako sa aking contributions sa SSS, Pag ibig at Philhealth noong dati pa akong nananarabaho sa banco sa Pinas. Nakapaghulog na po ako ng straight 5 years of contributions. Subalit nang nandito na ako napunta sa Doha, gusto ko sana ipagpatuloy yun, ngunit dahil sa kawalan ko noon ng mapagtanung tanungan, di ko na alam kung papano ipagpatuloy ang nasimulan kong contributions. Dumating kasi ako dito sa Doha na on visit visa lang. Nitong nakaraang araw ko lang nalaman na meron palang remittance agents dito sa Doha nung kumuha ako ng OEC. Napakasayang at hindi ko naipagpatuloy ang aking contributions.
Ang payo ni Madam Cueto sa akin, pwede ko naman cyang ipagpatuloy, yun nga lang, may patlang na akong 2 taon na wlang hulog. Kaya kung may balak kang mag loan ng malaki, hindi na counted ung first five years mong contributions para makaavail ng bracket na malaking mauutang.
kaya....
ipinagbibigay alam ko rin sa kung sino man senyo na may hawig sa aking dinanas. Sa mga gustong ipagpatuloy ang inyong mga contributions, meron pong remittance agent dito sa Doha, magsadya na lang po kayo sa POLO office sa gilid mismo ng CHN University.