a very alarming story....
got this story from a fellow qler but she posted this in friendster...share ko na din d2 story nya... ingat po tayo mga kapatid...
DOHA AKYAT BAHAY PINOY VICTIM
Message: THIS IS FOR REAL - MAG - INGAT..ANYWHERE. .
Sa dami ng mga natangap kong e-mails concerning safety nating mga expats dito sa kaharian hindi ko po akalain na mangyayari rin pala ang ganitong mga kwento sa sarili nating kababayan at kasamahan ko pa sa trabaho. Kaninang kumakain ako ng tanghalian sa aming kantina ay dumating ang kasamahan kong pinoy (chemist namin na pa-exit na sana nitong August 31) nakaka-awa ang hitsura ng mukha niya sa dami ng pasa at halos di na maibuka ang magkabilang mata dahil sa pamamaga. Eto po ang nangyari sa kanya noong Thursday
Pagdating niya from work deretso na siyang pumasok sa kuwarto niya at nakalimutan niyang –lock ang ang main door ng kanilang flat sa 3rd floor ng building na tinitirhan niya sa likod ng Mariott hotel.
Nasa bakasyon ang couples na host ng bahay at ang dalawang bachelor naman na ksama niya ay nasa labas at di pa umu-uwi. Bandang 8:00 pm at habang may ginagawa siya sa kanyang laptop sa loob ng kanyang kuwarto narinig niyang may mga nag-uusap sa labas ng sala at sinilip niya.. bigla siyang nagulat dahil apat na katutubo ang nandoon at bukas na ang pinto ng mga kwarto ng kasamahan niya (bale po siya ang nasa pinaka huling kwarto) sumigaw siya at nagpambuno/nagkasun tukan sila. Palibhasa malaki si kabayan (5’9” ang taas at medyo muscular built) at may kaunting naiintindihan sa depensa ay tumatama ang mga suntok niya sa apat na kalalakihang iyon..Ngunit, nasunggaban siya ng pinakamalaki at may pumalo ng plantsa sa ulo niya.. doon na siya nanghina at sinimulang gulpihin habang ini-ipit ang leeg niya sa kama .
Itinali ang kanyang mga kamay at paa ng lubid na panali sana niya sa carton ng bagahe niya tapos pinuluputan ang bibig at mukha niya ng gray packaging tape na gamit niya sa pag-iimpake ng mga dadalhin niya sa pag-uwi. Ang pinakamasakit at doon na siya natakot noong buhusan ang kanyang ulo ng amoy alcohol at balak na yata siyang sunugin habang pinagtatawan at minumura siya. Pero dahil nagmamadali ang dalawa…tumakbo na palabas matapos kunin ang mga gamit na mahalaga mula sa loob ng bahay. At sumunod na rin ang dalawa pa. Nakuha ang kanyang laptop, cellphone, psp, wallet (cash, Iqama, ATM’s medical card, etc.) tangay din ang mga laptop at ibang gamit ng mga kasama niya na inilgay ng mga salarin sa sa loob ng nakuha nilang travelling bag sa kabilang kuwarto.
Things became worst, noong mag-pa check-up siya ayaw siyang tangapin sa hospital,; una dahil wala siyang maipakitang medical insurance card (napasama doon sa wallet) at higit sa lahat walang police report. Nakaka-awa…
Sabin namin sa kaniya kanina.. be thankful dahil buhay ka at di ka nila tinuluyan..mahal ka ng Diyos..Sabi niya..wala akong na-agrabyadong tao para mangyari sa akin ito…
Kaya ko naisipang isulat sa inyo ang nangyari kay TR hindi upang mag-kwento kundi mag-silbing babala sa bawat isa...maging maingat po tayo..at higit sa lahat hingin natin sa Diyos na tayo ay laging ingatan..