Affidavit of Support - depende sa assessment
Mas mahigpit na ngayon sa Affiddavit of Support. Kahit na authenticated at attested pa ay puede pa rin maharang sa airport sa Pinas depende sa assessment ng immigration officer.
http://www.gmanews.tv/story/205508/travel-norms-tightened-for-filipino-t...
Ok sana na medyo maghigpit kasi nga madami na rin tayong kabayan dito na lang sa Qatar na stranded na dito dahil paso na ang visit visa at walang pambayad ng penalty. Kaya ngayon palaboy-laboy lang dito sa Qatar at naghahanap ng trabaho.
Pero ang medyo malabo lang dito ay yung "assessment by immigration officers". Kasi yung ganyan ay open na naman sa corruption at lagayan kasi nga magiging subjective ang desisyon. Dapat may guidelines o proseso na hindi magiging under discretion ng immigration officer. Para kung may hindi pumasa ay based sa process at guidelines hindi dahil sa kung anong timpla o palagay ng naka-duty for the day.
Sana tignan ulit ito.