"Alienation of Affection" - Makalumang batas pero matindi!
'Alienation of affection,' maaaring maging dahilan ng pagkakakulong ng sinuman
12/9/2009 4:57:23 PM
ATLANTA, Georgia - Pinag-iingat ng batas ang mga taong malapit sa mga taong may-asawa na upang hindi masangkot sa tinatawag na "Alienation of affection."
Ang "Alienation of affection" ay isang sitwasyon kung saan ang isang babae ay masasampahan ng kaso at kung hindi man, ay pagbabayarin naman ng hanggang $100,000 dahil sa umano'y pakikiapid sa may-asawa.
Ang ganitong kaso ay pinapayagan sa pitong estado gaya ng Hawaii, Illinois, Mississippi, New Mexico, North Carolina, South Dakota at Utah.
Sinasabing isang makalumang proseso ng batas ang ganitong set-up kung saan itinuturing pang pag-aari ng lalaki ang kanyang pinakasalan.
Sa modernong panahon naman, ang kaso sa "Alienation of affection" ay inihahabla dahil umano sa pera at paghihiganti.
Samantala, mayroong mga kaso kung saan nais ng ilang mga kababaihan na kung magloloko man ang kani-kanilang mga asawa, dapat ay sa maperang babae rin.
Bigla namang tinukoy ni Lee Rosen, isang divorce attorrney sa North Carolina, ang kaugnayan ng Alienation of affection na ito sa kaso ni Tiger Woods at ng mga babaeng naging kabit umano nito. (CNN)
http://www.bomboradyo.com/international.asp?ID=122407
-----