Ang Liham Ni Tatay
Minamahal kong anak,
Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero
hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang
number para
daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan
sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis ! lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo,
ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko
pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas
ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay
hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ! ng bahay, akala
nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga
botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at
inilagay ko na lang
sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na
pinirma han dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500
na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial
park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak! na rin pala ang Ate Baby mo, hindi ko pa alam kung babae o
lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di ba
yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga
pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang terminal
nila?
At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong
banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV
ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko
nasagot...ikaw anak, alam mo?
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.
Love,
Tatay
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha.