Ang Magmamalasakit, Sa huli, ikaw ang magkakasakit
Karaniwan na sa ating mga Pinoy/Pinay, ang tumulong sa kapwa, pero ang madalas pag tumulong ka ilalagay ka sa situation na alanganin, talagang magkakasakit ang ulo mo dahil sa pagtulong sa iyong kapwa...i am sharing this and i want you to judge me kung tama bang tumulong o hinde..
May isang Pinay, year ago, dumating dito as tourist, kinuha siya ng pamangkin niya,sana'y to be her maid(paumanhin po at hirap akong magtagalog dahil hinde ako taal na tagalog, so taglish nalang if you won't mind)Months after, hinde maitransfer as maid dahil hinde pwede ang Pinay magsponsor sa Pinay...,ayaw pa naman niyang umuwi at siya ay may anak at walng asawa, so sabi ko may ready visa ako, So she was transfered under my sponsorship, pero sa pamangkin niya siya nagtatrabaho. Till after few more months, ang dami niyang reklamo sa pamangkin niya, kesyo, ikinukulong daw siya, hinde pinapakain, hinde pinapalabas manlang para makapamasyal.Kailangan ko narin visa so sabi ko, yaman din lang hinde masponsoran, ilipat natin sa pwedeng masponsoran siya, sabi ko sa pamangkin niya, but actually, the main reason kaya tinulungan ko rin makahanap ng pwedeng magsponsor sa kanya ay dahil sa sinasabi niyang trato sa kanya ng pamangkin niya. So pinahanap ko siya ng makakasponsor sa kanya. Ng makalipat siya, at itransfer ko na sana ang sponsorship niya, hinde pala pwede at ang "tahwil tashira" ay hinde pwede until she finish her 1 year working. So hinde naitransfer...now malapit ng mag-isang taon, so pinaalalahanan ko ang pingtatrabaho-an niya na malapit ng mag-isang taon at need to transfer na. Sa loob ng ilang buwan mula ng makalipat ng amo, but still i am her sponsor, ni hindi manlang ako naalalang tawagan, ni bating happy new year wala, but this is not the point, sukat ba naman, umalis siya sa pinagtatrabahu-an niya ng hinde manlang sinabi sa akin..then ng makausap ko ang amo, sinabi daw na ayaw ng magtrabaho doon,mayroon naman daw ibang magsponsor sa kanya na mas malaki sahod at ng makausap ko, gusto niya ilipat ko nanaman siya at kesyo pagod daw siya doon, walang pahinga samantalang may day off siya. Ayaw daw at pinagkukuskos siya ng carpet. Tawag ako ng tawag ng malaman ko umalis siya hinde ako sinasagot, pagkakwan, tumawag sa akin, i ask, where are you? Nasa OWWA daw, bakit? Ni hinde manlang ako sinabihan, sana nag-usap kaming tatlo ng amo niya...Hinde niya nalang inisip, ng isalin ko ang sponsorship niya sa akin, na hinde naman nagtrabaho sa akin,eh binayaran ko lahat, nilakad ko lahat, ang pamangkin niya ni hinde manlang ibinalik ang mga nagastos ko sa transfer niya para hinde mapauwi, now nasa OWWA, ano gusto niya plabasin, hinde pa ba sapat na nagkagastos ako para sa kanya, hinde pa ba sapat na naabala ako, maraming oras at pera ang ginugolko para hinde siya mapauwi eh hinde ko naman kaano-ano, ni hinde nagtrabaho sa akin, ngayon nagpunta sa OWWA what's her point?
Now I swear, patawarin ako ng Diyos, but this will be my last help to anyone like this...ano ang point niya, dahil hinde na kasi ako papayag na mag-iba nanaman ng amo dahil ayaw ko naman maexpose, susulat nanaman ako ng NOC para sa kanya... sabi ko nga sa kanya bumalik na siya sa pinagtatrabahuan niya , tiyaga ng konti hinde pwede yung palipat-lipat,palibhasa libre ang visa niya, pero sana naman, maisip niya, sobrang abala na ang ginagawa sa akin, kung sa pamangkin niya nagreklamo siya, then dito naman sa isa, hinde kaya ganun din sa iba, kaya nga kako, tiyaga lang para sa anak niya,,,pero hayun nasa OWWA daw. Baka akla niya ibibili ko pa ng ticket pauwi, ano siya sinuserte? Wala akong ginawa sa kanya, hinde nagwork sa akin,nakiusap lang siya, siya ang humanap ng work, pero kung pati ba naman sa katarantaduhan niya(sorry to say) eh sa akin parin ,needless to say, i want to give her a hot punch...
Mga kabayan, i want to hear your say, comments, payo, whatever sa klase ng taong ito...