ano ba ang traffic violation ko?
last january 5 nagpunta kami ng citycenter mga lunch time tapos nag park kami sa 2nd floor ng gusali. tapos kumain kami ng lunch at ng shopping ng umabot kami ng 7pm. eto ang nangyari... pag balik namin ng kotse meron na sticker ng traffic violation sa kotse na nakadikit? kaya naman laking gulat namin bakit kaya nagkaroon kami ng ticket?? malaking palaisipan kasi tinignan namin ang pag park namin eh ok naman hindi naman sa pedestrian lane. at hindi naman lampasan. as in walang problema kaya nagiisip kami kung bakit. pag tingin namin sa ticket eh arabic pa kya hindi ko maintindihan kung ano ang violation, pero tignan ko ang plate number doon at yung sa amin paheras so sa amin nga itong tiket na ito.
sa tingin nyo anong problema dito. kasi nag iisip ako baka yung rosary na nakalagay sa center mirror ng kotse na nakalaylay doon kasi may nakapagsabi daw na bawal daw yun. or yung sticker na philippine logo sa likot kaso maliit naman yun.
pag dating namin sa moror. eh ang sabi daw eh illegal parking daw ang violation. eh hidni na kami nag tanong kung bakit kasi pati yung pulis hidni marunong mag english. pero sa amin hidni iligal parking eh kasi ang tino-tino ng pag park namin at napalagitnaan pa kami ng mga sasakyan.